Monday, August 23, 2010

You're My Wonderwall

August 23,

Hiningi ko lahat ng basbas ng mga santo pati na so broh para lang masabi sa kanya lahat ng dapat at gusto kong sabihin,hiniling ko na sana kayanin kong humarap sa kanya at salamat naman at nagawa ko nga.

pero bago yon,nung nakita ko sya parang aatakihin ako sa puso,hindi ako makagalaw,napakabilis ng tibok ng puso ko,pero nagawa ko pa din.

Sinabi ko lahat ng kailangan kong sabihin,lahat ng dapat itanong,lahat ng dapat liwanagin,sinabi ko lahat sa kanya.

Sinabi ko sa kanyang mahal na mahal ko sya.
Sinabi ko gusto kong magsimula ulit kame at kailangan ko ng kahit konting tiwala galing sa kanya.
Mangiyakngiyak na ako nung sinasabi ko yung mga salitang yon.

Ang sabi nya sakin
"Gusto ko Friends MUNA ulit tayo"
"Gusto ko muna ulit magsimula tayo as friends,dadating ulit din tayo jan"

Maiiyak na talaga ako nung narinig ko yon
Hindi ko alam ang iisipin ko,pero parang gumaan ang pakiramdam ko nung nakausap ko siya,parang natuwa ako.

Pero nalungkot din ako mejo nanamlay,nagulo ang utak ko pero nakangiti ako.

hanggang makauwi pinagisipan ko kung anung ibigsabihin ng mga sinabi nya saken.
ikinuwento ko sa mga kaibigan kong babae.

ang sabi nila
"Tanga Chance yan
Binibigyan ka nya ng chance,may pagAsa pa kayo pero ayaw nya lang madaliin kasi siguro ayaw nya biglain na kayo ulit pero ganun pa din ang nangyayari,ayusin nyo muna ang mga sarili nyo tapos pag ok na kayo edi pede na ulit"

Bigla akong natuwa nung narinig ko un,parang nagliwanag ang mundo ko hindi ko maipaliwanag hanggang ngayon napakasaya ko talaga tuwang tuwa ako feeling ko buo na naman ang puso ko.

salamat sa mga nagpaliwanag saken kilala nyo na kung sino kayo
nabuhay ang pagAsa ko ^_^
dahil sa inyo natuto nanaman akong magExpect at mag assume :))
pag ako nasaktan na naman kayo sisisihin ko >:))
Joke lang ^_^

I'll do anything even if anything means nothing but waiting.

I'll wait and believe on that one day that we will be together again.

I LOVE YOU.

FOREVER.

No comments:

Post a Comment