Friday, August 13, 2010

OK lang,Sanay na ako :)

Lahat ng bagay pagpinaulit ulit mo di magtatagal masasanay ka na
maraming pedeng magbago sa isang tao kapag paulit ulit ang naramdaman nya
pede syang matutong maging matibay at pede rin namang maging malamig depende na rin sa pinaparamdam mo sa kanya.

Hindi mo masisisi ang isang tao kung maging malamig man siya sayo
minsan ikaw din ang dahilan kung bat siya ganun,dahil un sa mga pinapakita at pinaparamdam mo sa kanya,siguro ayaw nyang ulit maramdaman yon,takot na siya kasi wala na siyang maramdaman kundi sakit,wala naman sigurong taong gustong masaktan ng paulit ulit kung damdamin ang pinag uusapan,baka hindi maglaon mabaliw ung taong yon.

So please sabihin mo sakin bakit mo pinaparamdam sakin ng paulit ulit to
yung pakiramdam na parang hindi mo ko nakikita
yung pakiramdam na parang binabalewala mo ko
ayoko nang itanong sayo to kasi alam kong tatawa ka lang at wala kang matinong sagot kundi "TAMA NA DRAMA"

sana kahit minsan pahalagahan mo ko kahit konti
paramdam mo naman saking hindi ako nagiisa sa nararamdaman kong pagmamahal sayo
sabihing mong mahal mo rin ako yung parang hindi ka napilitan.

siguro ang dahilan kung bakit mo paulit ulit na parang wala lang tayo kasi gusto mong masanay na ako na wala ka, kasi di rin siguro magtatagal iiwan mo na ako,siguro nung simula pa lang hindi mo na talaga ako mahal,siguro gusto mo ng sumuko ako at ako na mismo ang magparaya sayo.

pag may nakikita akong magkasintahan hindi ko mapigilang mapangiti at mapaisip ng
"oi ganun kami nung una ah,anung nangyari samin ngayon?"
hindi kita sisisihin kung bakit nawala ung mga araw na yun sa atin
kasi alam ko ako rin naman ang may kasalanan kung bat nawala yon.

Hindi na ako magtataka kung makahanap ka ng iba
hindi rin ako magagalit sayo kasi alam ko namang wala akong kwenta
hindi ko na rin ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mo na
dun ka sa tunay na masaya ka,di ba ganun naman talaga?kasi nga..
MAHAL KITA :'(

No comments:

Post a Comment