Saturday, November 27, 2010

Si Tropa :)

Name: Jiemarie Ponsones
Age: 18
Gender: Female
Location: Navarro,GTC

Ang first impression ko sa kanya ay parang ilang' siya sa mga tao, tahimik, parang masungit ng konti, tapos ang mukha parang laging naagawan ng candy.

di ko siya madaling nakasundo, nahirapan talaga ako haha nagpakaFC na nga ako jan eh hahaha.
bandang finals na nun nung mejo naging close kame.

tapos aun naimbento ang salitang "TROPA", hindi ko alam kung pano nangyari o san nangaling yang salitang yan, pero simula nun parang naging mas close na kami sa isa't isa, simula nung un na ang tawagan namin sa isa't isa.

alam nyo kahit isang simpleng salita lang un napapangiti parin ako kapag tinatawag nya ako ng ganun, mabait yan, pero ang gusto ko sa kanya ung nagpapatawa siya kahit korny kasi nakikita ko nageefort siya na magpatawa kaya aun napapatawa na rin ako, at higit sa lahat ang hinahangaan ko sa kanya ay ung pagiging SIMPLE.

ang ayoko lang minsan sa kanya masyado nyang iniisip ung sasabihin ng iba kaya siguro minsan di nya magawa yung gusto nya, mejo may pagkaduwag at iyakin din siya, minsan di nya sinasabi pero halata sa mukha nya, laging nakasimangot, ngingiti yan para mapakita lang na parang masaya siya tapos pag nakatalikod sisimangot na at dahil dun mejo nalulungkot ako.

alam ko ung kasi kahit ako marami rami ding drama sa buhay, kaya sino pa ba ang magkakaintindihan?
alam ko naiintindihan ko siya kahit papano, e1 ko lang kung naiintindihan nya ako pero wala akong paki alam kung naiintindihan nya ba ako o hinde, basta alam ko kapag napapangiti ko siya parang gumagaan ang pakiramdam ko at nakakalimot ako ng problema.

Yan si tropa, ahmm siguro isa sya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko
love n love ko yan both as a friend and more than friends, syempre sinabi ko n sa kanya yan ewan ko lang kung natatandaan nya pa, hindi ko naman inasahan na may feelings din sya saken ang gusto ko lang malaman nya hehe atleast nasabi ko nasa kanya na un kung papaniwalaan nya o hindi :)

marami ang nagsasabi at naniniwala sa kasabihang
"No one is afraid of love, they're only afraid of rejection"

kaya nilalayuan na lang nila ung taong mahal nila kasi ayaw nilang masaktan. OO dati naniniwala din ako dun, until bigla ko na lang narealize na MALI pala.

MALI pala ung iiwasan mo siya kasi iba ung nararamdaman nya para sayo
MALI pala ung lalayuan mo siya kasi KAIBIGAN lang ang turing nya sayo

itanong mo sa sarili mo ano bang mas mahalaga, ung TAO o ung nararamdaman nya?
mamahalin mo lang ba ang isang tao kapag mahal ka rin nya?
tapos lalayuan mo at magpapakaBITTER ka kapag hindi.

masasabi mo bang TAMA un? hahaha

ganito ang lagi kong sinasabi
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG HINDI AKO MAHALAGA SAYO
KAYA DAPAT WALA KA RING PAKIALAM KUNG MAHALAGA KA PARA SAKEN!!"

syempre mas mahalaga parin dapat ung TAO d b? :)

ayoko din namang masabihan na ginamit ko ung closeness namin para makadiskarte lang ako.
ayaw ko rin naman mawala ung pagkakaibigan at closeness namen dahil dun.

hindi ko iiwan yan hanggang sa araw na makita nya na ung taong para sa kanya at kahit na kasama nya na ung taong yon hinding hindi ko parin sya iiwan kahit ipagtabuyan pa ako nyan kasi di ba tropa sabi mo "forever" :) siguro kung gugustuhin nyang layuan ko siya gagawin ko pero hindi ko siya kailan man pababayaan, isipin nyo na lang pano na yan kapag wala ako? haha kawawa sya.
pero mas kawawa ako :)

at kapag dumating man ung araw na makilala nya na ung lalakeng un, magiging masaya ako para sa kanya ^_^

isa lang ang masasabi ko sa lalakeng un kung mababasa nya to.
"KUNG MAHAL MO PA ANG PAMILYA AT BUHAY MO, WAG KANG MAGKAKAMALING SAKTAN AKO TROPA KO"

tska sino bang nagsabi na kailangan ng relasyon para maipakita mong mahalaga sayo ang isang tao?
gusto kong patunayan na kahit walang relasyon kaya kong ipakita at iparamdam sa kanya na mahalaga siya at importante kasi alam nyo iyakin kasi yan at ayoko siyang nakikitang ganun.

I know I'm not the most important person in her life, but just knowing that I'm important in some way,even just a little bit is more than enough :)
sobra sobra na sakin ung maging friend nya at makaclose sya.

gusto kong patunayan na mali sya sa lagi nyang sinasabi na walang nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya, gusto kong malaman nya na naiintindihan ko siya.
susuportahan ko sya sa kung anong gusto nya pero ung mabubuting bagay lang syempre

hindi ko yan iiwan :) promise.

sana hindi sumobra ung pagpapahalaga ko sa kanya kasi baka hindi ko namamalayan na napipigilan ko na ung mga gusto nyang gawin kahit wala naman akong karapatang diktahan sya,sana mapansin ko kagad un,pero ngayon kaya ko pa namang pigilan un.

pagmalungkot yan madalas nakakalimot, nalilimutan nya na nandito ako pero hindi ako magsasawang ipaalala sa kanya, kung gano sya kahalaga at kaimportante :)

alam ko hindi ako isang lalakeng may BOYFRIEND MATERIAL.
kasi kilalang kilala ko na ang sarili ko, I do no good for a lover.
kaya napagisip isip ko na siguro mas magiging magaling at mabuti akong kaibigan :)

kung may chance man na MFEO kami, tadhana na lang ang makakapagsabi :)
pero sa ngayon masaya ako kung ano kami :D kaysa wala
masaya ako pagkasama ko sya
at kapag masaya siya, masaya din ako.

gusto ko happy siya
kasi kapag happy siya happy din ako kaya lagi ko siyang pinapatawa kaya pag naging masaya siya edi magiging happy din ako XD ^_^

wag kayong maingay sa lahat ng makakabasa nito hehe di nya alam to :) secret lang naten ^_^