Monday, June 28, 2010

meet andi :)


Summer 2010 may nakilala akong babaeng nagngangalang Anna Dominique Balde or just call her andi or kuya andi para saken :)

Pre-calculus namin non nung una ko siyang makilala at makasalamuha haha wow gumaganon :D
ahmm to be honest ang first impression ko sa kanya silent type pero hindi naglaon nalaman kong super bait pala niya at napaka aproachable :D

Hindi ko alam kung pano nangyari pero isang araw naging friends na lang kami haha
kapag magkasama kami sa klase wala akong nakikitang lungkot sa mga salit't galaw nya ung para bang wala siyang pinoproblema sa mundo.
Hindi siya nagpakita ng kahinaan sa mga panahon magkasama kami,lagi lang siyang nakangiti,madali rin siyang mapatawa ng mga korni na jokes siguro kasi korni din siya :D
madali siyang makaapreciate ng mga bagay,simple man o hindi,sobrang bait nya :)

Napaka reliable din nya,noong mga panahong nangailangan ako ng taong makakaintindi sakin nandun siya,sinuportahan nya ako,nagbanggit siya ng mga salitang nakapagpalakas ng loob ko,hindi ko talaga alam magaan ang loob namin sa isa't isa pinakinggan nya lahat ng problema ko at hindi ako iniwan,kahit di kami blood related at kahit na kakakilala lang namin hindi ako nagatubiling sabihin sa kanya lahat ng mga pinagdadaanan ko sa buhay at ganun din naman siya sakin,siguro talagang magkapatid kami kahit di kami magkadugo o magka-ano-ano :D
siguro nung past life namin magkapatid kame? :D

pero alam naman natin lahat ng tao may drama sa buhay,syempre ganun din ang kuya andi ko
pero hindi ko na ikkwento in respect for her privacy,tska may tiwala siya sakin kaya nya nakwento ang dramang iyon tungkol sa kanyang buhay.

hindi ko alam kung pano ako makakabawi sa kanya,walang kapantay ang kabaitan nya kahit may mga nangaaway sa kanya sinusubukan nyang magpakumbaba at magpatawad.
sana nakatulong din ako sa kanya kahit papano.
walang salitang mkapagdedescribe kung gano ako nagpapasalamat na nakilala ko si kuya andi.
Itetresure ko siyang maige dito sa puso ko bilang isa sa mga itinuturing ko pinakamahahalaga at pinakamabubuting kaibigan na dumating sa buhay ko :)
at syempre napakaswerte ko kasi siya ang pinakamabait at pinaka the best na kapatid sa buooooooooooonnnnnnnnngggggg mundoooooooooo :)

ang message ko para kay kuya andi ay simple lang,
"Kuya dont give-up,dont stop believing,in the end everything will be okay,if it's not okay maybe it's not yet the end :)"
alam ko someday magiging masaya ka rin :)
love po kita kuya :D
ingat ^___________^

Sunday, June 27, 2010

Nanay :)


Naisipan kong gumawa ng blog para sa nanay ko :D
hindi pa siya umaalis namimiss ko na kagad siya,kahit minsan hindi kami nagkakasundo sa mga bagay bagay hindi ko nalilimutan ang mga nagawa at mga sinakripisyo nya para samin.

MagIsa lang siyang kumakayod para sa pamilya nya,nakikita ko siyang umuuwi ng gabi para lang maipaghain kami ng mainit na hapunan.

Naalala ko pa noong bata pa ako,para mapasaya lang ako hindi ka tumigil,napakasarap alalahanin ang mga panahong iyon,alam ko habang tumatanda ako nagiging matigas ang ulo ko,marami na rin akong sinuway na mga payo mo sakin,pero kahit anu pa man ang nagawa ko hindi mo ko iniwang mag-isa kasi mahal mo ko at naiintindihan mo ko,at tuwing may drama sa buhay ko at feeling ko walang wala na ako ginabayan mo pa rin ako,hindi ka nagpakita ng kahinaan ng loob,ikaw ang pinakamatatag na babaeng nakilala ko.

Kahit 4 kaming magkakapatid tunuring mo kaming pantay pantay at hindi ka nagpakita ng favoritism,alam ko walang paraan para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa mo para sakin pero gusto ko lang malaman mo na naapreciate ko lahat ng mga ginawa mo .

Walang salitang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ko ngayon,hindi ka nagtago ng sekreto lagi kang totoo,nagpapasalamat ako kung pano mo ko pinalaki at sa pagmamahal na binigay mo saken.
Kahit na parang tanga ako minsan nagpapasalamat ako sa diyos na ikaw ang naging nanay ko.

Alam ko ginagawa mo ang lahat maibigay lang ang gusto namin,nagtatrabaho ka para lang hindi ako mahinto sa pag-aaral,pasensya na po sa lahat ng nagawa kong mali simula ng pagkabata ko hanggang ngayon.

At ngayong paalis ka na gusto ko lang sabihin sayo na gagawin ko ang lahat para masabi ko ngang deserving ako na maging anak mo at sana mapatunayan ko rin sayo balang araw na hindi nasayang ang oras at pagmamahal na binigay mo sakin,kahit hindi ko sinasabi sayo ang mga salitang I love you o mahal kita sana naman naramdaman mo yon sa bawat araw na magkasama tayo.

Walang ibang babae pa ang makakapantay sayo dito sa puso ko:)
kung meron mang babae sa buhay ko ngayon,ikaw na yon wala ng iba.
The best ka :D
alam ko makokornihan ang makakabasa nito pero anu ba naman ang magagawa ko eh totoo naman hahaha.

MA,ingat ka dun,baka matulad ka kay lady gaga madapa ka pagbaba ng eroplano :D
i love you :)

Saturday, June 26, 2010

The best I ever had


Di ko alam kung bat "The best I ever had" ang naisip kong title sa blog na to,in the first place kasi hindi naman talaga naging kami,hindi siya naging akin,ako lang ang nag-akalang ganun,In short tamang hinala lang ako :)

Natatawa ako kasi napakadaming kanta na sobrang patama sa mga naging karanasan ko,isa na dun eh ung Girlfriend by kamikazee,hahaha saktong sakto un eh saksak :D
Kung pamilyar kayo sa kanta yon hindi nalalayo dun ang kwento ko.
Nagsimula lang yon sa pagkakaibigan hindi ko namalayan na na-iinlove na ako sa kanya.
Noong mga panahong iyon down na down siya kasi kabebreak lang nila ng Boyfriend nya,nung mga panahon na iyon wala pa akong nararamdaman sa kanya.

Nakita ko siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay sa mundo,kaya as her friend nilapitan ko siya at sinubukan ko siyang pasayahin,ang gusto ko lang ng mga panahon na iyon ay sumaya siya kasi di ba magkaibigan nga kami,araw araw ko siyang kinukulit para lang makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya,pero habang tumatagal hindi ko napapansin na nahuhulog na ako sa kanya.

Bumuo kami ng Rule na bawal ma-Fall sa isa't-isa.
At ang kabaliktaran na nga noon ang nangyari.
Kung hindi ako nagkakamali sabay kaming umamin sa isa't isa na may nararamdaman na kami,pero ang sabi nya hindi pwedeng maging kami kasi hindi pa siya tuluyang nakaka-move on,ang sabi ko kaya ko namang maghintay,kaya kong tiisin ang sakit kahit parang binabaliwala nya ako minsan.

Nagdaan ang mga araw,mas lalong tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya,ang daming nagsasabi sakin na nagpapakamartir ako at masasaktan lang ako sa huli.
Alam ko naman na may posibilidad nga na mangyari un pero hindi ako nakinig sa kanila,sinunod ko ang puso ko.
Hindi nya ako pinaasa,ako ung nagOffer na maghihintay ako,ako ung nagOffer na tutulungan ko siya na makaMove on,wala talaga sa plano ko ung maINLOVE sa kanya,kaya it's all my fault.

At aun dumating na nga ang araw na kailangan ko na siyang bitawan,siguro kasi sobra na akong nasasaktan sa pagbabaliwala nya sakin,nagpaalam lang ako sa text 2am yon ng April 9 napakahaba ng mga pinag tetext ko mga 3 messages yon na ubos lahat ng characters haha alam ko kasi na tulog na siya kaya nagkaroon ang ng lakas ng loob na sabihin lahat ng mga hinanakit ko at mga nararamdaman ko.
Nakatulog ako ng 4hours,nagising ako ng bandang 6am na ata,nakita ko may reply na siya.

Ang sabi nya:

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo,sa pagbabaliwala ko sayo,sakin,sorry kasi hindi ko nasuklian ang mga binigay mo para sakin,ung time at love mo,wala naman kasi sa plano ung pagmamahal mo eh,hindi kita deserve kasi wala akong kwenta,siguro matatagalan pa bago ako maka-moveOn,pero alam ko sa sarili ko minahal kita hindi lang talaga ako handa,siguro natatakot pa akong masaktan ulit,matatagalan pa siguro bago ako magkaroon ulit ng lakas para magSeryoso ulit,alam ko may mas deserving pa para sayo.
sana after nito maging magkaibigan parin tayo.
sana padaan mo parin ako ng mga Gm mo.
mamimiss kita LABx
lalo na kapag nilalambing mo ako :'("


At un na nga pagkatapos kong basahin unti unti nang tumulo ang mga luha ko.
un ang unang pagkakataon na umiyak ako para sa babae,hindi ko alam kung bakit di ko mapigilan ang mga luha ko nung mga panahon na iyon.
Nagreply ako sa kanya habang iyak ng iyak na parang batang musmos :D
dun sa txt ko parang nagbibiro pa ako na ok ako.
tuwing naiisip ko ung time na umiiyak ako,naalala ko ung mga nakaw na sandali :) hehe
tapos astig nga eh sa isip ko may background song pa habang umiiyak ako (Set you Free-MYMP) habang iniisip ko na kausap ko si BROh hehe :)

para akong baliw ng mga panahong yon,buong araw akong tulala.
wala akong ginawa kung di kumain at matulog.
pagkagising ko naalala ko na naman,at napaiyak n naman ako ng sobra.
kung anu anong tanong ang mga pumasok sa isipan ko.
ang sabi ko mababaliw na ata ako.

ilang araw akong nakatulala,nagtatanong sa sarili kung bat nagkaganon.
sinisi ko ang sarili ko at napag-isipan ko na ako talaga ung mali.
mga tatlong araw din siguro akong ganon.

dumaan ang mga araw hindi ko na siya naiisip at parang wala na akong pakialam sa kanya.
nakatulong din ung mga araw ng summer classes sa paglimot ko sa kanya.
nagkaroon din ako ng maraming kaibigan na nagbigay kasiyahan sakin.

kalagitnaan ng summer non,papasok ako sa Pre-calculus ng biglang may nareceive akong text galing sa kanya,nagulat ako.
feeling nya daw magisa na naman siya,namimiss nya daw ako etc etc ganun....
sakto wala akong load nun hehe hindi ko siya nareplyan.
Nagtext ulit siya.

Ang sabi nya:

"ok lang kahit di ka magreply,naiintindihan ko,pero sana pakinggan mo naman ung kantang KISMET-silent santuary"

hindi nanaman ako nakareply kasi wala akong load.
Nag text ulit siya :D

"oi! kala ko ba nagpromise ka na hindi mo ko iiwan,pero bakit ganyan?
nakalimutan mo na ba ung mga promise mo?kala ko ba?"

di ko alam kung bakit pero pagkauwing pagkauwi ko nagpaload kagad ako.
tinawanan ko siya sabay sori sabi ko wala akong load.
nagkwentuhan kami kung anu na mga nangyayari sa buhay namen.
biro biruan blah blah blah.
di ko alam kung bat ako natawa dun sa mga text nya,siguro kasi matagal ko nanghinihintay na magtext siya or natuwa ako kasi namiss nya ako?
haha basta natatawa na lang ako pagnaaalala ko. :)

tapos sobrang natawa or NATUWA? talaga ako kasi akalain mo ba naman magkaclassmate kami ngaung sem?sadyang mapagbiro nga naman ang tadhana.
pero ngayo iba na ang sitwasyon.
Nagbago na ako,pinagtibay ko ang kalooban ko at siya naman may boyfriend na at nakikita kong masaya na siya,hindi na ako umaasa na may pagkakataon pang maging kami kasi wala na akong nararamdaman para sa kanya,pakiramdam ko nakalaya na ako sa kanya,masasabi ko na rin na masaya ako kahit wala siya :)

ang totoo hindi pa kami masyado nagpapansinan ngaun,pero sinusubukan naman namin,at alam ko baglang araw magiging mabuting magkaibigan din kami.

sobrang haba naman ng blog ko ang korny hehe
talambuhay na ata tawag dito? haha
sa mga makakabasa nito alam ko korny haha
pero salamat kasi pinagtyagaan nyo basahin :)