Wednesday, August 11, 2010

Sharish



^_^ itong blog na to para sa kanya
(hindi ba halata?XD) :) wala lang hehe malay kasi natin baka bukas kunin na ako ni bro at hindi ko na magawa to hehe kaya ngayon ko na gagawin^_^
Sharish :) sana balang araw mabasa mo to :D alam ko d mo pa nabibisita tong blogger ko haha.
Ok let's Begin ^_^
________________________________________________________________________
Maganda,Matalino,Mabait,Pala-kaibigan,Madaling lapitan yan ang pagkakakilala ko sa kanya:)
Nagkakilala kami bago pa magsimula ang 2nd sem(Edi First Sem yun^^.),Boyfriend nya pa dati ang kaibigan ko,so ayun doon nagUmpisa ang pagkakaibigan naming dalawa :)

2nd Sem noon naging magkaklase kami sa 101,tanda ko nga eh sabay kaming nagpaEnroll non
hehe,sabi ko sa sarili ko"Teka eto ung yung Gf ng tropa ko eh" so ayun nga nilapitan ko siya at kinamusta
hindi ako umasang maaalala nya pa ako hehe at nagulat nga ako naaalala nya pa pala ako kahit papano ^_^

Simula noon naging malapit kaming magkaibigan,at simula rin non may kakaiba na akong naramdaman
para sa kanya hindi ko lang pinansin noong una,so aun edi close nga kami sa kanya ako lumalapit tuwing may pinoproblema ako,lalong lalo na sa pag-ibig sa kanya ko sinasabi noon,talagang napakabait nya sobra hehe

Sa tuwing makikita ko sya lagi akong napapangiti kahit wala naman siyang masyadong ginagawa,basta kapag magkasama kami hindi ko ma-explain pero ang alam ko masaya ako :)

--

alam mo siguro mahal kita noon pa hindi ko lang talaga pinansin un kasi.
1.Magkaibigan tayo
2.Kaibigan ko ang Boyfriend mo dati
3.Ayokong magAssume :)
4.Busy ako sa ibang bagay(alam mo na un)

5.Tinatanggi ko sa sarili kong mahal na talaga kita

haha napapaamin tuloy ako eh >:)

hindi ko alam kung bakit napakahalaga mo saken.
ikaw lang ang kauna-unahang babaeng nakapagparamdam saken ng ganito,
pinaramdam mo sakin na ang sarap pa lang maInlove ulit. Ikaw yung taong nagpahalaga sakin kahit na parang wala nang kwenta ang buhay ko.

Sa twing magkasama tayo wala akong ibang plano, gusto ko lang titigan ka magdamag,yung tipong
kahit wala na akong masabi gusto parin kitang kausap.
Kapag may naririnig akong kantang masarap pakinggan sayo ko kaagad idineDedicate kasi ikaw kagad ang unang napasok sa isip ko.

Sa FB pagnakikita kong ikaw ang laman ng notifications ko,kahit nagcomment ka lang o naglike ng kung anuman
sa wall ko,tuwang tuwa na ako,ganung kababaw ang kaligayahan ko :)

Kaso minsan bigla bigla ka na lang hindi namamansin,parang pinagsakluban tuloy ako ng langit at lupa
,kung anu ano naiisip ko,feeling ko malapit na ako mabaliw,kung anu ano pinaggagawa ko,lagi akong naiiyak,alam yan
ng mga taong napagsasabihan ko.

Sobra din akong magselos hindi ko lang talaga nasasabi sayo hehe alam ko mali yun pero anu bang magagawa ko,

Alam mo ba nung ginawan kita ng video tapos thank you lang ang reply mo sakin parang may kulang,napangiti na lang ako
pero sa loob loob ko "weh? ganun lang" hehe.
parang may nagbago kasi satin simula noong unang nagkatampuhan tayo,parang may nawala.
simula noon tuwing magsasabi ako ng "I love you" sayo "OK" lang ang sagot mo saken
hindi na rin ako makalapit sayo tulad ng dati.

Iniisip ko noong malapit lapit na akong mabaliw,sabi ko sa sarili ko "dapat bang maging pang pelikula pa ang buhay ko?"
ung tulad sa mga nakakaiyak na movies "Kailangan ko bang mamatay para lang malaman mong mahal mo ko?,kailangan ko bang magkaroon
ng malalang sakit para malaman mong mahalaga ako sayo?" ganyan ung mga natakbo sa utak ko tapos dumagdag pa ang guardian devil kong
si VON DARYL ARCILLA ,na kung ano ano ang pinagsasabi sakin,langya special mention pa siya dito haha XD.
Yung BLOG ko bago ko gawin to,ung nasa baba nito.
un ung nararamdaman ko noong mga oras na un ^____^

ilan sa mga namimiss ko ung.
1.Tuwing magkikita tayo niyayakap mo ko
2.Nagpapalitan tayo ng bag kapag uwian
3.Namimiss ko ung mga pagkakataong ikaw lang laman ng notifications ko kasi lahat ng ginagawa ko nililike mo
kulang na lang ako mismo ung i-like mo eh :)
4.Namimiss ko ung PagkaOL na pagka OL ko pa lang sa FB ikaw kagad ung nakikita kong nagPPM saken
etc..
etc..

100(agad).Syempre ang pinakahuli namimiss ko ung oras na titingin ka sa mata ko tapos sasabihin mong "I Love you",habang nakangiti ka saken.

Alam ko hindi ako gwapo,matalino,malambing,at entertaining tulad ng ibang naging BF mo,minsan nga
nagpapakatrying hard na ako,kaya KORNY na ang kinalabasan :)
aun siguro ako na ang pinakaKORNY na naging bf mo ^_^
pero isa lang masasabi ko sayo,hindi ka makakakita ng ibang lalake na magmamahal sayo,na kasing baliw katulad ko :))

alam mo ba gusto kitang ipakilala sa buong angkan ko pati na rin sa lahat ng kaibigan ko
gusto kong sabihin at isigaw sa kanila "Eto nga pala Gf ko,kahit baliw ako mahal ako nito :)"
sana dumating yung araw na magagawa ko yan,kahit na abutin ako ng taon sa paghihintay sayo ok lang,
aasa ako ng marami na dadating din ung araw na un :D :)

At kung dadating man ang araw na hindi na tayo magkakasama(Wag naman sanang dumating un)
sana wag mo akong kakalimutan,mag iIngat ka palage,at sana maikwento mo ako sa ibang tao kahit ganito:"Alam nyo ba may naging boyfriend akong baliw,
na mahal n mahal ako" habang nakaNgiti ka :)
so all in all I say you're the best thing that has ever happened to me. ^_^

and thats it :DD
tatapusin ko na dito tong blog na to :)
kasi alam ko kahit maging back to back pa tong blog kong to hindi nito masasabi kung gano kita kamahal
tska mejo nakokornihan na ako sa sarili ko eh >:)
sana alam mong totoong mahal kita,sana nararamdaman mo yon kahit papano ^_^

d ko alam kung anong magandang linyang panapos dito sa blog ko
kahit minsan parang tinatamad na akong sabihin tong salitang to kasi alam ko na ang isasagot mo
sasabihin ko pa rin ^_^

"I love you,Sharish"
Sky is the limit :)

No comments:

Post a Comment