Saturday, August 21, 2010

Icing over a secret pain

August 21 lasing na lasing na naman ako,bagsak agad ako sa kama
manhid na manhid na katawan ko pero nararamdaman ko parin ung sakit.

Ikaw lang ang nasa isip ko,pinipilit kong lokohin ang sarili ko na hindi kita kailangan,na hindi na kita mahal,na madali magmove on,na hindi ako nasasaktan pero ang totoo mamatay matay na ako sa saket at miss na miss na kita.

Kahit ilang litro pa ng alak ang inumin ko,kahit magpakalasing ako ng todo ikaw parin ang mahal ko.
minsan iniisip ko,ano kaya kung may gawin ako para maipaalam sayo tong nararamdaman ko,na ikaw ang kailangan ko,na mahal na mahal kita,babalik ka pa ba saken?

at kung sakaling hindi na at wala na talagang pag-asa gusto ko sanang sabi mo sakin na hindi mo na ako mahal yung harapan para naman makapaghiwalay tayo ng maayos gusto ko rin sana mayakap ka sa huling pagkakataon kung ok lang sana sayo.

Gusto kong sabihin sayo na hindi ako nagsinungaling at hindi kita niloko.
lahat ng mga ginawa ko totoo,lahat ng yon para sayo.
Hindi para lokohin ka,ginawa ko lahat yon para maipakita ko sayong mahal kita.

akala ko totoo na,panaginip lang pala
kagabe nakita ko ang sarili ko kasama kita,ang saya saya ko
magkasama daw tayo nagtatawanan at nagkukulitan
parang totoo lahat ung naramdaman kong saya nung mga oras na yon
akala ko hindi na matatapos
akala ko bumalik ka na saken
akala ko totoo lahat ng nakita ko

bigla na lang ako napadilat,napamura ako
bumalik na naman ang saket na nararamdaman ko
sabi ko sa sarili ko bat nagising pa ako.

hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal ng ganito
sana kayanin ko.

mahal kita..
mahal na mahal..

No comments:

Post a Comment