Wednesday, September 22, 2010

Epekto ng Pagkabaliw: Ang sulat ko kay Bro

Bro,
Akala ko po madali lang akong makakamove-on pero hindi pala. Ang hirap!
Opo inaamin ko mahal ko pa din siya pero mukhang hindi na talaga pede at wala na,sobrang sakit pero hindi ko magawang magalit sa kanya.

Minsan natatanong ko sa sarili ko kung bat lagi na lang ganito,parang napakaUnfair nyo naman po sa akin,natatanong ko din kung talaga bang minahal nya ako o hindi,basta sobrang daming tanong na pumapasok sa isip ko kapag mag-isa ako kaya nga gusto ko laging kasama tropa eh nakakalimutan ko kasi kahit papano tska napapatawa nila ako.

Sa ngayon po masasabi kong I'm 90% moving-on 70% healed, ung mga natitirang percent un ung percent na umaasa pa din ako na babalik siya kahit parang wala ng pag-asa :)

Wala akong magawa eh, sa tuwing naiisip ko siya nanliligid na lang ang luha ko gusto kong maiyak pero hindi natutuloy tsssssss:| pag ganun hindi ako nakakatulog napupuyat tuloy ako hanggang 2AM tapos may pasok pa ako gigisng 5AM haha pero kaya naman hindi ako naabsent ^_^.
Dinadaan ko na lang sa music kapag hindi ako makatulog haha,hindi ko na siya kinakausap,hindi ko na siya piniPM sa FB,hindi ko na sya tinext pero pinapadaanan ko siya ng mga GM ko,ayoko kasing makaistorbo at magmukhang epal sa kanya kaya ako ganito :) tska baka kapag kinausap ko siya,tinext,piniem or anything para maging close ulit kami baka bumagsak naman sa ZERO% ang pagmomove on ko kasi mahal ko pa siya mas mabuti na to tahimik na buhay nya, I can see she better off without me :)

Siya pa din lagi kong naiisip at naaalala mejo nakakabwisit na kasi paulit ulit ko syang napapanaginipan nakakabwisit kasi nagigising pa ako. tsss di ko na alam ^_^ nababaliw na ako bro XD

-ERISH-

No comments:

Post a Comment