Thursday, September 9, 2010

A Bitter Medicine

Di naman po ako bitter siguro masyado lang akong nadisappoint at sobra sobra talaga ang expectations ko,well ganun talaga ako eh haha

wala lang po, akala ko talaga naiiba siya sa lahat eh kaso hindi rin pala masyado.

gusto ko lang rin pong linawin na hindi ako galit sa kanya,sa sarili ko ako naiinis kasi minahal ko kagad siya ng todo at wala akong tinira,pero ganun naman talaga akong magmahal eh di ako nagtitira para sa sarili ko kasi alam ko kahit magtira ako para sa sarili ko masasaktan pa rin ako kaya isinusugal ko na lahat,kasi sabi nga dun sa "LOVEBUG"(show sa 7 ^_^)

"Kapag magmamahal ka ibigay mong lahat,isugal mo,kasi minsan lang tayo magmahal ng totoo"

astig no? isama mo pa ung prinsipyo ko tungkol sa love,

"Magmamahal pa din ako ng todo,kahit nasaktan ako ngayon mas mamahalin ko yung susunod kung meron man ^_^"

ganyan ako,I believe that I'm a strong person,because a strong person is the one that carries so much pain but always finds a reason to smile ^____^.

pero minsan di ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit sa tuwing nagmamahal ako ng totoo lagi na lang ako sinasaktan,naisip ko napaka unfair naman ng love sakin, dami ding gumulo sa utak ko naisip ko manloko ng tao,mangGago, naisipan ko ring magbago ng ugali pero hindi ko kaya, ganito na talaga ako tska ayoko magpanggap, sa huli I stick with my principle ^_^ at masaya ako dun :)

Sa tingin ko hindi rin mapipigilan ng isang taong magExpect at Umasa,I think It's human nature,kasi isipin mo na lang kung walang EXPECTATIONS,HOPE,FAITH, and DREAMS para san pa't nabuhay ang tao? life would be boring and its not worth it.

at ang kaakibat ng mga yan ay PAIN hindi ung pakain sa isda ah:))
ganun talaga,its always cause and effect ^_^

kaya mas mabuti ng sumugal ka kaysa naman sa hindi mo sinubukan di ba :)

and

"We can't learn to be Strong if the only thing in this world is JOY"

kaya nga naimbento ang feelings eh kasama na rin ang sakit dun.

just don't ever forget to smile.
nabasa ko dun sa exam namin ng midterm sa english ata un.
hindi ko masyadong matandaan eh pero ganito ata un

"Instead of complaining about your pain and downfalls in life, why don't you appreciate the things that makes your life worth living?"

at sobrang naaappreciate ko naman dahil sa mga friends ko na laging nagpapatawa saken kaya hindi ako nauubusan ng dahilan para ngumiti,salamat sa inyo mahal ko kayo ^_^

hmm masyado na mahaba tong blog ko haha
wala na rin akong masabi eh so gang dito na lang muna.

abangan sa susunod na kabanata ^_^

No comments:

Post a Comment