Sunday, June 27, 2010

Nanay :)


Naisipan kong gumawa ng blog para sa nanay ko :D
hindi pa siya umaalis namimiss ko na kagad siya,kahit minsan hindi kami nagkakasundo sa mga bagay bagay hindi ko nalilimutan ang mga nagawa at mga sinakripisyo nya para samin.

MagIsa lang siyang kumakayod para sa pamilya nya,nakikita ko siyang umuuwi ng gabi para lang maipaghain kami ng mainit na hapunan.

Naalala ko pa noong bata pa ako,para mapasaya lang ako hindi ka tumigil,napakasarap alalahanin ang mga panahong iyon,alam ko habang tumatanda ako nagiging matigas ang ulo ko,marami na rin akong sinuway na mga payo mo sakin,pero kahit anu pa man ang nagawa ko hindi mo ko iniwang mag-isa kasi mahal mo ko at naiintindihan mo ko,at tuwing may drama sa buhay ko at feeling ko walang wala na ako ginabayan mo pa rin ako,hindi ka nagpakita ng kahinaan ng loob,ikaw ang pinakamatatag na babaeng nakilala ko.

Kahit 4 kaming magkakapatid tunuring mo kaming pantay pantay at hindi ka nagpakita ng favoritism,alam ko walang paraan para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa mo para sakin pero gusto ko lang malaman mo na naapreciate ko lahat ng mga ginawa mo .

Walang salitang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ko ngayon,hindi ka nagtago ng sekreto lagi kang totoo,nagpapasalamat ako kung pano mo ko pinalaki at sa pagmamahal na binigay mo saken.
Kahit na parang tanga ako minsan nagpapasalamat ako sa diyos na ikaw ang naging nanay ko.

Alam ko ginagawa mo ang lahat maibigay lang ang gusto namin,nagtatrabaho ka para lang hindi ako mahinto sa pag-aaral,pasensya na po sa lahat ng nagawa kong mali simula ng pagkabata ko hanggang ngayon.

At ngayong paalis ka na gusto ko lang sabihin sayo na gagawin ko ang lahat para masabi ko ngang deserving ako na maging anak mo at sana mapatunayan ko rin sayo balang araw na hindi nasayang ang oras at pagmamahal na binigay mo sakin,kahit hindi ko sinasabi sayo ang mga salitang I love you o mahal kita sana naman naramdaman mo yon sa bawat araw na magkasama tayo.

Walang ibang babae pa ang makakapantay sayo dito sa puso ko:)
kung meron mang babae sa buhay ko ngayon,ikaw na yon wala ng iba.
The best ka :D
alam ko makokornihan ang makakabasa nito pero anu ba naman ang magagawa ko eh totoo naman hahaha.

MA,ingat ka dun,baka matulad ka kay lady gaga madapa ka pagbaba ng eroplano :D
i love you :)

No comments:

Post a Comment